Posted on

I think I’m weird.. o baka naman “unique” lang talaga ako?!

Mahirap kilalanin ang sarili natin. Hindi ako naniniwalang ikaw mismo ay kilala na ang sarili mo. Siguro naman dumadating din yung pagkakataon sa buhay nyo na napatanong kayo kung sino ba talaga kayo. Who Am I? Parang pelikula lang ni Jackie Chan, no?

E kasi naman, nawiwirduhan ako sa sarili ko. Feeling ko hindi angkop yung edad ko sa mga trip ko. Feeling ko ako lang yung nagiisang ganito. Minsan lang ako magdrama kaya pagbigyan nyo na.

16 palang ako. Sa November 25, 17 na. Isang kolehiyala na ang kinuhang kurso ay BS Psychology. Nag-psych ako kasi mahilig ako sa utak. Kinuha ko ‘to bilang pre-med kasi balak kong mag-duktor at maging Neurologist. Sana pagtapos ko mag-psychology, magamot ko na sarili ko. Baka palalain ko pa lalo ang pagkabaliw ng mga magiging pasyente ko e.

Mga hilig ko:

Spongebob. Adik ako dyan since magkaroon kami ng cable nung grade 2 pa ako. Noong elementary at HS ako, lahat ng school supply ko Spongebob. Magpa-hanggang sa kwarto ko, unan, bed sheet, posters, pati mga stuffed toys. Obsessed kung obessed e.

Musika. Naku, dito kayo lalong mawi-wierduhan. Sa kabila ng pagiging maka-Diyos ko, nakikinig ako sa bandang: Metallica, AC/DC, Kiss, Led Zeppelin, Slipknot, Pearl Jam, Black Sabbath, Drowning Pool, Disturbed, Evanescence, Linkin Park at Slapshock. Mga heavy metal bands. Gustong gusto ko yung mga kantang nasigaw. Mahilig din ako sa makaluma kaya nakikinig din ako sa: Carpenters, The Beatles, Tom Jones, Buddy Holly, Asin, Claire Dela Fuente at Sampaguita. Gustong-gusto ko din si Francs Magalona at Gloc-9 dahil sa pagiging makabayan ng mga kanta nila. Mahilig din ako makinig sa Japanese songs. Gustong gusto ko yung Jrock. Bukod sa maganda ang meaning ng mga kanta nila, maganda din silang manamit. Nagsimula kong magustuhan ang mga tugtugang hapon nang magsimula akong manood ng mga anime. Di ba nga mahilig ako sa scream-o, kaya yun, nahilig na din ako sa kanila. Ang tawag sa fashion na gigawa nila ay Visual Kei. Para silang naka-cosplay (costume playing) habang natugtog. Ang isa pang weird e, sa kabila ng pakikinig ko sa mga heavy metal music, mahilig din akong makinig sa classics. Yung pang-Mozart at Beethoven ang dating. Pinapakinggan ko yung Flight of the Bumblebee kapag nagre-review ako o kaya kapag gusto ko lang mag-relax.

(Nope, don’t say its Emo! :P)

TV Shows. Hindi ako nanunuod ng pinoy dramas. Ang korni kasi at walang originality. Ang tema kasi, laging kabitan at madaling mahulaan ang magiging ending. Ang mga series na pinapanood ko: House MD at CSI. Gusto ko kasi maging duktor, pero gusto ko din maging detective. Siguro, gusto ko lang talaga magkaroon ng trabaho na laging nag-iisip. Dabarkads din ako. Araw-araw simula pa nung bata ako, pinapanood ko ang Eat Bulaga. Maka-EB kasi mga kamag-anak ko kaya nasanay na din ako sa panonood dito. Bakit ko ito sinama sa listahan kung bakit ako wirdo? E kasi mga trip ng mga ka-edad ko e, love story at mga fantaserye. Ewan ko, pero kahit kailan hindi ko naging trip manuod ng love story ng pinoy. Isa lang din ang taong kilala kong super fan ng Eat Bulaga at ka-edad ko siya. Tapos kapag tinatanong ko kung may nanonood ba sa kanila ng House MD o CSI o kahit Numbers nalang, e walang nanonood.

Anime. Kaya siguro lalong lumala ang pagka-wirdo ko e, dahil sa labis na panonood ng Anime.😄 Halos araw-araw nanonood ako ng Anime. Mas maganda kasi ang fantasy kesa sa reality e. Dahil sa panunuod nito lalong naging makulay ang imahinasyon ko. Ang mga trip kong Anime e, yung madugo. Tulad ng Claymore, Deathnote, Dragonball, Hajime no Ippo High School of the Dead at Baki the Grappler. Mahilig din ako sa classics na Anime tulad ng Voltes V at Doraemon. Trip ko din yung mala-detective tulad ng Detective Conan at Detective Q. Hmmm, madami akong kilalang mas obssessed pa sa akin pagdating sa Anime pero isa ito sa mga bagay na nagpapawirdo sa akin kasi nakaka-wirdo talaga ang panunuod nito.

—History. Dahil siguro sa pagiging makabayan ko, nahilig ako sa kasaysayan natin. Mahilig ako manuod ng mga documentaries tungkol sa mga bayani at madami akong libro tungkol sa kasaysayan ng bansa natin. Maganda kasing malaman mo ang nakaraan para may clue ka kung ano ng dapat mong baguhin para maging maganda ng kinabukasan. Kinukulekta ko ang mga libro ni Ambeth Ocampo. Siya ang paborito kong historian. Makamasa kasi siya magsulat, pwede maintindihan ng kahit na sino, kahit yung hindi naman estudyante ng kasaysayan. Try nyo alamin ng kasaysayan natin, napakaganda nito matutunan. Ang astig imadyinin na, paano kung nabubuhay ka sa mga panahong yun? Minsan nga naiisip ko, sana magkaroon ng Time Machine para pwede ko interbyuhin sila Rizal. Nga pala, si Rizal, naku, idol ko yan. Siya ang pinakapaborito kong bayani. Ewan ko pero wala akong kakilala na mahilig sa history ng bansa natin, na nagbabasa ng mga libro ni Ambeth Ocampo, na obsessed kay Rizal. Isa ito sa mga hilig ko na di ko makita sa ibang kasing-edad ko.

Siguro hindi lang talaga naging angkop ang hilig ko sa edad ko. Kayo na ang humusga, weird ba ako o unique lang talaga?🙂

About jamjumai

Ako ay isang nilalang na mahilig sa hiwaga. BOW.

4 responses to “I think I’m weird.. o baka naman “unique” lang talaga ako?!

  1. madz ⋅

    …napapangiti ako habang binabasa ko ung sinulat mo, nkakarelate ako dun ah.

  2. Sa tingin ko may kapareho ka…ako. 16 din ako pero sobrang pagka adik ko sa anime tulad ng the world god only knows. Hindi rin ako nanonood ng drama at teleserye dahil panit ang storya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s