Posted on

Pilipinas Minamahal Parin Kita

 

 

 

Image

Ang drawing at tulang ito’y aking inihahandog sa minamahal nating Pilipinas

Sunod-sunod na kalbaryo
Sunod-sunod na bagyo
Sunod-sunod na kabiguan
Ang dumarating sa’yo
 
Mga taong naninirahan sayo
Animoy walang pakialam
Pati ang mga namumuno
Nagawa kang pagnakawan
 
Dati mong malinis na karagatan
Ngayo’y para nang basurahan
Kagubatan mong sagana
Ngayo’y panot at kalbo na
 
Kabataan mo’y napapariwara
Landas na tinatahak ay giba-giba
Bisyo dito, bisyo doon
Kinabukasan nila, saan paroroon
 
Henerasyon ngayo’y limot na ang bayanihan
Magkakapatid sa dugo’y naghihilahan
Sa panahong di na uso ang tulungan
Pagunlad ba’y hanggang pangarap na lang?
 
Sa kabila ng lahat ng ito
Pagasa ko’y hindi naglalaho
Darating din ang pagbabago
Sa ating mga Pilipino
 
Pagibig ay lalaganap
‘Wag tayo sumukong mangarap
Tayo ay magsikap
Gaganda rin ang hinaharap
 
Tayo’y manalig lamang
Sa Amang makapanyarihan
Sapagkat hindi pa huli ang lahat
Matatamo din natin ang kapayapaan
 
Ang araw mo’t tatlong bituin
Alam ko, sila’y muling magniningning
Sa aki’y ikaw parin ang pinakamagandang bansa
Kaya Pilipinas Minamahal Parin Kita
 

 

 

 

About jamjumai

Ako ay isang nilalang na mahilig sa hiwaga. BOW.

5 responses to “Pilipinas Minamahal Parin Kita

  1. ang ganda ng iyong tula at drawing!

    hindi ako part nito pero balita ko on going na ang saranggola blog awards puwede kang sumali dun.

    at oo kahit nahihirapan na rin ako minsan at nawawalan ng loob, mahal ko pa rin ang Pilipinas!

    mabuhay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s