Posted on

I wanna be a tutubi

“I wanna be a tutubi. Nawalang tinatagong bato. Sa aking kamay. Na nahulog sa lupa. Tinuka ng manok. Na nanggaling pa sa bundok!”

–Alam n’yo ba yan? Siguro yung mga 21th century na kabataan, e, hindi. Yan yung laro na hahanapin ng isang taya kung nakanino yung bato. Nakabilog ang mga kasali habang nasa likod yung taya. Habang kinakanta ang “I wanna be a tutubi”, ipapasa ng mga kasali ang maliit na bato. Bawal nilang ipahalata kung nakanino yung bato, kasi hindi maa-atchoy yung taya. Dapat patago yung pagpasa.

–Nakakahiya dati kapag atchoy ka sa mga laro. Ibig sabihin talunan ka. Pero minsan nagiging atchoy ka lagi hindi lang dahil mabagal kang tumakbo sa Mata-mataya o shunga magtago sa Bam-sak/Tagu-taguan kundi dahil din sa trip kang atchuyin ng mga kalaro mo. Yung ikaw lagi yung tinataya kahit na hindi naman ikaw yung pinakamalapit na pwedeng tayain. Nakakatuwa ka kasing pagmasdang umiyak. Ang sarap mo ding kantahan ng “Sumbong sa nanay dala itak.”

Β 

Mga larong may kanta:

1. Chimpoy Champoy, dose na de pik! Dose na de oink-oink. Dose na de pik. Dose na de bebe. Dose na de pik. Dose na de amen. Dose na de pik. —- Nagja-jak-en-poy. Kapag natalo, oink-oink. Kapag nanalo, bebe. Kapag draw, amen.

2. Dunkin donut, tingali-ngaling poknat! — Magpapatungan lang kayo ng kamay. Tapos ii-ikot nyo kapag nakanta na parang nagawa ng donut. PS. Boring na laro.

3. Chippy-Chippy gum is a bubblegum. Masarap ito at malinamnam. Bumili kayo sa tindahan. Chippy-chippy gum is a bubblegum! — Nakakatuwa ‘tong laruan lalo na kapag natapos n’yo ng walang mali.

4. I wanna kick, open, side by side. — Ito yung magsisipaan kayo ng kalaro mo. Pang-dalawahang laro din tulad ng Chippy-chippy gum.

5. Langit lupa impyerno. Im, im, impyerno. Saksak puso tulo ang dugo. Patay, buhay, umalis ka na sa pwesto mo! — Kinakanta ‘to bago magsimula ang laro. Dito malalaman kung sino ang magiging taya. Minsan, depende sa nagtuturo at nakanta ang magiging taya kasi pwede nilang laktawan yung ayaw nilang mataya at yung trip nilang ma-atchoy.

6. Jak En Poy. Hale-hale hoy. Sinong matalo s’yang unggoy! — Ang larong ito ang nagbigay patunay sa teorya ni Charles Darwin. Madaming naging unggoy dahil dito.

7. Sawsaw suka mahuli taya! — Pang-sanggol na laro.

8. Si Anna ay bata pa kaya ang sabi niya ay um um um ah ah. — Nakakatuwang laro kasi namatay ni Anna sa bandang huli.πŸ˜„

9. Shagidi shagidi Sha Po Po — Ewan ko sa larong ‘to.Pero dapat concentrated ka. Concentration is the rhythm, concentration navigation, let us begin!

10. Ito ang beat sabay sabay. Ito ang beat bawal sablay. Pabilis ng pabilis. Wag mami-miss wag mami-miss. Ahhh. Coca-cola. Nalilito nalilito. Nahihilo nahihilo. Coke ko ‘to. Coke ko ‘to. Coke ko ‘to! — Mula sa commercial noon ng Coke.

Sagana ang Pilipinas sa mga laro. Kahit pa itapat mo yang PS3 o XBOX sa mga laro natin, walang wala parin sila. Kasi ang mga laro natin, libre na, nakakapayat pa! Mabuhay ang mga larong Pinoy!

Gusto ko tuloy bumalik sa pagkabata. Yung pagkagising mo, wala nang suklay-suklay at hilamos. Diretso na sa labas para makipagpatintero sa mga kalaro. Di uso noon ang malinis, kasi kapag malinis ka, ibig sabihin hindi ka naglalaro sa labas, at kung hindi ka naglalaro sa labas, e, kung di strikto magulang mo, e, isa kang 90’s forever alone child! Ala e, puro e, mukang tae!

PS. Sa mga hindi nakakaalam kung ano yung “Atchoy”, yan yung tawag samin sa mga laging natataya. Ang alam ko kasi depende sa lugar yung tawag sa laging natataya e.

About jamjumai

Ako ay isang nilalang na mahilig sa hiwaga. BOW.

4 responses to “I wanna be a tutubi

  1. theworshipwarriorbride ⋅

    hahaha…nakakamiss..πŸ™‚ buti nalang batang 90s ako..meron pang isa:

    :apir, disapir, one half, one fourth, one fourth, one half, disapir, apir!” hehehe

  2. A.J

    graveh po nakapawis po yung mga larong pi-nost niyo hehe…andame ko nang pawis kumanta lang ako..hehe
    pero di nga po salamat posa pag-post ng mga larong yan..laking tulong sa may mga P.e 3..HAHA wew…laro ng lahi….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s