Posted on

Para sa mga Mahilig Mangulangot

Image

Aminin mo. Kahit president ka pa ng Pinas o sikat na celeb, imposibleng di ka pa nangungulangot gamit ang daliri mo (o kung trip mo daliri ng ibang tao). Yung iba kasi, diring-diri sa kulangot. Akala mo e, mga hindi nangungulangot. Oo, nakakahiyang mangulangot sa public places. Pero kung walanghiya ka na nangungulangot sa publiko, okay lang yun. Walang paki ang ibang tao kung saan mo man gusto mangulangot. Wag mo pansinin ang mga maaarteng taong nagmamalinis. Sila, madumi na ang ilong, madumi pa ang ugali. Nangungutya sila ng trip ng iba. Buti ka pa, malinis na ugali, malinis pa ang ilong.

Kung ikaw e, isa sa mga nadidiri kapag nangungulagot ang ibang tao sa publiko, abay try mo gayahin ginagawa nila. Malinis na ilong mo, instant celeb ka pa dahil pagtitinginan ka ng mga insecure na tao sa paligid. Kung madami mang mangutya sayo kapag nangungulangot ka, gamitan mo sila ng Fire Bomb technique.  Alam naman nating lahat ang teknik na yan. Madali lang kasi, wag ka lang mauubusan ng dumi sa ilong. Una dukot, sabay ikot, sabay tutok, sabay pitik! Booooom!

Kaya sa teacher kong nangungulangot sa harap naming nung 2nd year. Ma’am saludo ako sayo! Ang linis mong tao! Na-master mo na ang patagong Fire Bomb sa ilalim ng table mo. Astig. Hanggang sa muli nating pagkikita mga nilalang na nagbabasa ng mga walang  sense na posts ko, paalam!

About jamjumai

Ako ay isang nilalang na mahilig sa hiwaga. BOW.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s