Posted on

Mahalaga ang Utot

UTOT. Wag kang mag-ewww dyan kung ayaw mong jombagin kita. Lahat tayo nautot. Kahit hayop nautot. Kaya kahit yung hayop mong kapit-bahay na araw-araw nagpapatutog ng Baby ni Justin Bieber, e, hindi exempted.

Ang tao daw nautot ng 14x at nagpo-produce ng kalahating litro ng gas kada araw. Kung iipunin mo ang utot mo sa isang linggo, magkakaroon ka ng 3 at kalahating litro ng gas. Kung iipunin mo naman ang utot mo sa loob ng isang buwan, 105 na litro ang maiipon mo. Ang gawin mo sa mga naipon mo e, ganto:

—Yung 50 litro ipadala mo sa Malacanang. Pasingawin mo to, at pag sumingaw na hagisan mo ng may sinding posporo! Makakagawa ka ng mushroom cloud nun. Dahil sa may methane at hydrogen ang utot, aapoy ito. Ang methane at hydrogen kasi e, flammable substances.

—Kailangan ng halaman ng carbon dioxide para sa photosynthesis. Kaya yung natirang mga bote ng utot, i-donate mo sa mga may garden.

Alam mo bang masama magpigil ng utot? Uso pa noon ang mga Emperor nang pirmahan ni Emperor Claudius ang isang batas na nagpapa-legal sa pagutot sa mga banquet. Nakaka-hemorrhoid daw ang pagpigil sa hapit-lumabas na mga utot. Importante din ang pagutot sa mga pasyenteng kaka-surgery lang. Kapag kasi inooperahan, ginagawang “tulog” ng anesthesia ang bituka. Dahil sa pagtulog ng bituka walang gasa ng nadaan sa bituka. Bago pinapalabas ng ospital ang ibang pasyente, tinatanong muna sila kung naka-utot na sila kasi kapag hindi, ibig sabihin hindi pa nagigising ang bituka nila kaya makakasama kapag kumain sila. Ang pagutot ang hudyat na nagana na ng maayos ang digestive system ng taong inoperahan.

Kita nyo naman sa balita dyan sa nilagay kong picture di ba? Mahalaga talaga ang utot! Pampahaba ng buhay, mas mabisa pa sa pansit at gulay.

SAVE MOTHER EARTH! FART IN JAR!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s