Posted on

Gloc-9 was describe by the Philippine’s Master Rapper Francis Magalona as “A black smith of words and letters, and a true Filipino poet”.

Si Gloc-9 o sa tunay na buhay, Aristotle Pollisco ang paborito kong rapper o makata. Hindi ako mahilig sa rap, pero dahil sa kanya nahilig ako dito. Hindi lang naman siya ang mga rapper na kinahiligan ko. Trip ko din si Francis Magalona at Eminem. Sa katunayan, nadiskubre ko si Gloc-9 dahil kay Francis M. Nanonood ako ng Myx, biglang tumutog yung Lando. Naastigan ako kasi andun si Francis M. Lalo akong naastigan nung nabasa ko yung lyrics. May sense ang mga rap na ginagawa ni Gloc-9. Hindi din siya tulad ng ibang rapper na puro porma lang. Hindi siya nagsusuot ng malalaking damit, bling-bling at nagpapa-tattoo sa buong katawan. Ibang-iba siya sa rapper ng kanto. Nirerespeto ko ang mga rapper na karespe-respeto ang rap, pero yung mga rapper na puro mura, sex at payabangan ang rap, hmmpf, hindi ako natatakot na sabihan silang mga rapper ng kanto.

Eto lang naman ang mga nagustuhan ko kay Gloc-9:

1. Makadiyos– Naging endorser siya ni Brother Eddie nung nangampanya ito bilang presidente nf Pilipinas. Hindi naman sa sinasabi kong porke nag-endorse na ng pastor e, makadiyos na. Mababasa mo sa lyrics ng mga rap ni Gloc-9, lagi siyang nagpapsalamat at humihingi ng tawad sa Diyos. Laging naka-emphasize sa mga kanta niya na wag kalilimutang magpasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang natatanggap natin.

2. Makabayan– Eto ang nakakuha ng tingin ko kay Gloc-9. Kapag narinig ko yung mga binibitawan niyang salita sa mga rap nya, parang feeling ko lalo akong nagiging proud maging Pilipino. Hindi siya takot na sabihing madumi ang gobyerno natin. Damangdama mo sa mga rap niya na concern siya sa kapaligiran lalo na sa Pilipinas. Tulad ni Kiko M. hindi niya kinakahiyang Pinoy siya. Ang mga tula niya’y humuhubog sa mga Pinoy na maging responsable.

3. Humble– Sobrang humble ni Gloc-9. Sa dinami-rami ng achievements niya, hindi niya nagawang magyabang. Down-to-earth. Hindi siya isnabero, nagagawa niyang replayan atpasalamatan ang mga sumusuporta sa kanya.

Nagkita na kami ni Gloc-9 nung MarchΒ  2010 sa SM Dasma. Album tour ng Talumpati noon. Ang saya-saya ko. Naka-FMCC na “Francis Magalona Forever” pa ako nun. Maski matagal yung pila para makapag-pa-autograph, ininda ko yun. Habang pumipirma siya sa cd, ibang klase yung ligaya ko. Hindi ako makapaniwalang ang lapit ko sa inspirasyon ko. Nakapag-papiktur ako kasama siya.❀

Magkikita ulit kami sa July 29 para sa album launch ng Mga Kwento ng Makata. Excited na akong mapakinggan ang mga bago nyang rap. SALUDO AKO SA AKING IDOLO!

20 responses to “Aristotle “Gloc-9” Pollisco

  1. Maglenatividad ⋅

    Prehas tayo, iniidolo ko rin yang si Gloc. Apir!πŸ˜€

  2. Props to gloc 9…. One of the best in industry..

  3. arnie jane ⋅

    mahilig talaga ako sa rap lalo na sa gloc 9 idol ko talaga

  4. ang galing galing nya talaga…πŸ™‚

  5. Joijenlee Aoinara (teddybear) ⋅

    grabe ang galing ngayon ko lang nalaman ka hit super fan din ako ni gloc 9 gumawa pa nga kami ng friends ko ng remix ng song niya eh ung upuan at hari ng tondo

  6. kyrsten

    Gloc.9 yung mga ginagawa mong kanta nakakainpire ..di po sia katulad ng ibang kanta .. yung kanta mo po ay AMAZING xDπŸ™‚

  7. cristin joy valencia ⋅

    kahit na papano may pinagdaanan pala na kahirapan si gloc 9 bago niya maabot ang mga pangarap niya>.<

  8. gloc idol pwde pingi ako ng accesories mo…..?

  9. lyca may

    yyyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaakkkkkkkkkkkkkkkkksssssssssssssssssssssssss

    ang pangit ng mukha mo

    mamatay knalng magiging masaya ako

  10. si gloc 9 ang isang magandang ehemplo para sa mga kabataan na nangangarap din na maging katulad niya o maging katagutagumpay sa talentong nararapat sakanya .

    kaya for me ?
    im so inspired to him .
    siya yung may mga kantang kahit sino makakarelated

  11. jokoy

    GLOC-9 BEST RAPPER EVER!!!!!!!!!!!!!!!!

  12. apri ⋅

    ano po bang pangalan ng parents ni sir. aris pasagot naman po kailangan ko lang po kasi para sa powerpoint presentasyon siya po kasi napili na ipakilala

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s