Posted on

Para sa mga Anak ko

Matagal ko nang ginawa itong tulang ‘to. May nabasa kasi akong artikulo sa Facebook sa page ng Minsan may Isang Puta, dun ko nakuha yung konsepto ng tulang ‘to. Hindi man halata, makabayan po ako. Mahal ko ang Pilipinas at ang kulturang dinadala nito. Sana magising na ang mga Pilipino. Maganda po ang Pilipinas, pinapa-pangit lang nating mga Pilipino.

Gusto mo ba ng kwento?
O sya, halika dito.
Magkukwetuhan tayo,
Tungkol sa buhay ko.

Dati ako daw ang pinakamaganda.
Pinag-aagawan ako ng mga kapit-bahay ko.
Gusto nila akong magamit at makuha.
Virgin pa daw kasi ako.

Linaspag ako ng tatlong dayuhan.
Ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.
Binigyan nya ako ng panandaliang kaligayahan.
Ako ay nagpagamit na parang timang.

Tinuruan nya kami ng madaming bagay.
Pati pera sa ami’y inialay.
Sa ginhawang binigay n’ya kami’y nasanay.
Sa piling n’ya tuloy, ayaw ko nang mawalay.

Ngunit dumating ang pagkakataon,
Sa aking sariling paa’y kailangan bumangon,
Sinubukan kong umahon,
Na sa dayuha’y walang tulong.

Nang nawala siya’y nagkandaletse-letse,
Buhay ko ngayo’y naging peste,
Hindi kami sanay sa ganitong buhay,
Napautang tuloy ako sa mga kapit-bahay.

Nagpatuloy ang kamalasan ko,
Nagpatung-patong na mga utang ko.
Pati panganay ko, nagawa akong maloko,
Ano bang klaseng buhay ‘to?

Ibang anak ko’y kumapit sa patalim.
Lumapit sila sa mga lumaspag sa akin.
Ang iba sa kanila’y di na bumalik sa akin.
Napakasakit sa aking damdamin.

Ako’y kanilang kinalimutan,
Sa dahuyan sila’y nanahan.
Kinalimutan ang kanilang pinanggalingan,
Sariling ina’y kanilang iniwan.

Naloko na ang aking pamilya,
Magkakapatid ay nagsisiraan,
Hindi sila nagtutulungan,
Bagkus sila’y naghihilahan.

Naging mabait naman ako,
Tinangggap ko sila ng buong-buo.
Buhay ko bakit nagkaganito?
Ano bang masama ang nagawa ko?

Sa dami ng mga anak ko,
Konti lang ang may malasakit.
Pagmamahal nila ang kailangan ko,
Wag sana nila yun ipagkait.

Ganito man ang nangyari sa akin,
Alam kong ganda ko’y babalik din.
Pagmamahal lang ang aking kailangan,
Giginhawa rin ang kinabukasan.

Sana mabasa ito ng mga anak ko,
Nang mabuhayan sila sa kanilang pagkatao.
Sana ipagmalaki nila ako,
Dahil malaki din ang pinag-hirapan ko.

Pangalan ko’y di mo pa pala nalalaman,
Pasensya kung introduksyo’y aking nakalimutan.
PILIPINAS nga pala ang aking pangalan,
Ang dating Perlas ng Silangan.

About jamjumai

Ako ay isang nilalang na mahilig sa hiwaga. BOW.

4 responses to “Para sa mga Anak ko

  1. A.J

    ang galing mo!..sa totoo lang halatang-halata naman ang pagiging makabayan mo..at nakakagising talaga nang pagka-pilipino yung tulang ‘to…
    saludo ako sayo!
    ipag-patuloy mo lang ang mga ginagawa mo…

  2. wow….
    tinamaan yata ako dun sa anak na lumapit sa mga lumaspag sa inang bayan…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s