To Tatay, From Jun-Jun

To Tatay,

Hello po tatay,
Kamusta na po kayo dyan sa bahay?
Sana po okay lang kayo,
Kahit wala na si nanay.

Tatay, wala na po si Lucy
Hiniwalayan na po niya ako,
Pareho po kayo ng sinabi,
Isa po akong walang kwentang tao.

Pasensya na po pala,
Kung kaunti lang ang huli kong naipadala,
Nagtaasan po kasi ang bilihin dito sa Maynila,
Sinabayan pa po ng mga proyekto para sa eskwela.

Sana po wag kayong magalit sa akin,
Kasi ngayon, wala na po ako sa Top Ten,
Naaala ko po kasi nung ako po’y inyong nabatukan,
Kasi nung graduation, isa lang akong salututorian.

Wala na din po ang mga album na kuleksyon ko,
Sabi nyo po kasi wala namang talento,
Ang mga rapper na aking iniidolo,
Kaya binigay ko nalang lahat ng album sa mga kaibigan ko.

Naaalala nyo pa po ba?
Nung sumali ako sa paggawa ng tula?
Nung 3rd place lang po ang aking medalya,
Sabi nyo po sakin “Tula nalang di mo pa magawang tama?”

Kaya po ngayon, humihingi ako ng pasensya,
Kasi di ko magawang makaya,
Yung mga naabot mo dati at nagawa,
Kasi nga po, wala akong kwenta.

Sorry po kung hindi ako naging perpekto,
Junior nyo po ako pero ‘di ko po kayo makapareho.
Lahat naman po ay aking ginawa,
Pero hanggang dun lang po ang aking makakaya.

Hindi ko din po sinabi sa inyo,
Na nasunog ang tinitirahan kong dormitoryo,
Alam ko po kasi na ako parin ang masisisi,
Na ligtas na building nalang, di pa ako marunong pumili.

Kung san-san nalang po ako ngayon natutulog,
Ayoko naman pong humingi ng tulong sa inyo,
Sawa na din po kasi yung katawan ko sa mga batok at bugbog,
Nakatiklop na din po sa sermon at paninisi ang mga tenga ko.

Sorry po kung ganito lang ako tatay,
Tatapusin ko na po ang aking buhay,
Tatalon ako mamaya sa tulay,
Ang gago at bobo nyong anak, sa wakas isa nang bangkay.

From,
Jun-Jun

Nagbabalik ang MahiwagangIsip

image

Hindi ko alam na may application pala ang WordPress sa cellphone. Huehue.

Napabalik ako sa mundo ng blogging dahil sa walang humpay na comments ng mga estudyanteng nagtatanong kung maaari ba nilang hiramin ang talumpati kong patungkol sa kabataan. Tuwing October at March, finals kasi ng mga college, natotorete ang Gmail account ko sa notifications ng mga comment na humihingi ng pahintulot. Nahihirapan akong replayan sila isa-isa dahil sa cellphone lang ako kumukonekta sa internet. Kaya naman, naisipan kong hanapin sa Play Store kung meron nga bang application ang WordPress. At boom panes, meron nga.

Matagal-tagal akong nawala sa mundo ng blogging. Una, dahil sa pag-aaral. Pangalawa, dahil sa aking lovelife, kinikilig ako. Pangatlo, dahil sa computer/console games at 9gag. At huli, dahil sa walang humpay na problema sa pamilyang kahit kailan ay hindi na magiging kumpleto muli. Kaya humihingi ako ng paumanhin sa mga mambabasa ko, mga estudyanteng tinatamad gumawa ng sariling tula at talumpati, dahil hindi na ako nagkapag-post pang muli dito. Hindi na din ako nakapagpost ng iba pang talumpati na pwede nyong kopyahin. Madalas parin naman akong magsulat, pero wala lang oras para mai-post dito.

Sa muli, lolokohin ko ulit ang sarili ko, ita-try kong magpost muli ng mga walang kwentang bagay na galing sa aking mahiwagang isip. Salamat!

Salamat sa Musika

Sa bawat tunog ng gitara,
Pag-alon ng iba’t-ibang nota,
Bigkis ng damdamin ay dama,
Pangalan mo’y parang musika.

Malumanay ang bawat tono,
Pumapatak sa aking puso,
Tinig na buong-buo,
Himig mo sakin ay misteryo.

Kailangan ma’y di mawawala,
Tulad ng isang melodiya,
Pakikinggan habang-buhay
Ang musika mo sa aking inialay.

Tula para sa Tropa (Graduation Poem)

Ang High School sa akin ang pinakamasaya,

Dahil mga tunay na kaibigan, dito ko nakilala.

Sinamahan n’yo ako sa saya man o problema,

Hanggang sa huli nating pagsasama.

 

Tinuruan nyo ako ng mga bagay na dati’y di ko kaya,

Kaya ngayon mas gumaling akong magDotA.

At lalong tinuruan n’yo ako mga tropa,

Na sarili ko’y mas lalong makilala.

 

Tinuruan n’yo akong maging makapal ang muka.

Sa harap n’yo yata, lahat na ay aking nagawa.

Mag-imba face, pati na sa harap niyo ay mangulangot.

Kaya mga tropa tinuruan n’yo akong huwag matakot.

 

High School life man nati’y may wakas,

Saya naman nati’y mananatiling wagas.

Hindi pa dito natatapos ang ating pagsasama.

Dahil habangbuhay, kayo ay aking TROPA.

ARAW NG KALAYAAN — Diary Entry 102

Image

June 11, 2010

Independence day ng Pilipinas. Ang sarap makakita ng mga nakadisplay na watawat ng aking bansang minamahal. Kaya nga lang once a year lang ko lang nakikita na may mga watawat ng Pilipinas sa paligid. Siguro kung di pa pinauso ni Francis M. ang T-shirt na may logo ng Pinas, walang magiging proud magsuot ng T-shirt na naka-simbolo ang pagiging Pilipino natin. Maraming salamat Master Rapper, minulat mo ang aming natutulog na diwa. Hindi dapat ikahiya ang pagiging PILIPINO!

Dati kapag nagsuot ka ng kung anong bagay ng may kinalaman sa pagiging Pilipino natin “baduy” ka. Pero ngayon, kapag may suot ka, PROUD KA! Malaki talaga ang utang na loob ko kay yumaong Francis Magalona.

Kakagaling ko lang sa SM. Bawat tindahan may nakasabit na Philippine flag. Bakit tuwing June 12 lang sila naglalagay nun? Pwede namang araw-araw. Bansa naman natin ang sinisimbolo nun. Kung kelan Independence Day tsaka lang ba naaalala ng mga pinoy na Pilipino sila at nakatira sila sa Pilipinas? Yung iba mas gusto maging Korean, Japanese, Thai, American, Super Saiyan, at kumikinang na bampira! Alam ko kung gaano kahirap ang dinanas ng mga Pilipino noon makuha lang ang kalayaan. Wala man ako nung mga panahong yun, damang-dama ko ang sakripisyo nila sa pamamagitan ng pagbabasa at pagtatanong sa matatanda. Madaming nagbuwis ng buhay! Nakakainis isipin na madaming tao ang nagsisisi na half-pinoy sila o PURE PINOY sila. Dapat nga maging proud tayo e. Kakaiba kasi ang PINOY! Biro mo, binagyo na nakangiti pa. Kung sa ibang lahi pa yun, wala nang ngingiti, dadamdamin nila ang nangyari sa kanila. At! Kapag may lamay sa ibang bansa. Walang masaya. O, bawal sumaya/magpakasaya. Puro naka-black, walang ngumingiti at lahat nagiiyakan. Pero kapag pinoy ang may lamay. May nagbi-bingo! Tong-its! Sakla! At higit sa lahat, videoke! Kung alam lang nila kung gaano kasarap maging Pilipino. Yumyumyum, lasang adobo!

OPINYON— July 4 dapat ang Independence Day ng Pilipinas pero pinalitan ito ni Diosdado Macapagal. Unang bese iwinagayway ni Emilio Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas noong June 12, 1898 sa bahay niya sa Kawit Cavite. Ngunit binenta ang ang Pilipinas sa mga Amerikano. Naging bihag na naman tayo. Ibinigay ng mga amerikano ang kalayaan natin noong July 4, 1946. Nakakainis isipin na utang loob pa natin sa kanila ang kalayaan natin. Buti nalang hindi July 4 ang Independence Day dahil ipapaalala lang noon ang Fil-Am War.

MGA KABABAYAN! IPAGMALAKI MO! IKAW AY ISANG PILIPINO! MABUHAY MAHAL NAMING PILIPINAS! Maligayang ika-115 na araw ng kalayaan!

I’m ready to defend the 3 stars and a sun! -Francis M.

TULA

Ang tula ay tulad ng dugo,

Na di titigil sa pag-agos.

Ito’y tulad din ng ulan,

Na patuloy ang pagbuhos.

 

Minsan ay para itong araw,

May malinaw, maynkasisilaw.

Ngunit laging tulad ito ng bituin,

Habang buhay na magniningning.

Muling pagbabalik ng Makata — Eleksyon 2013

After 3289462378 years, may bago na kong post! Sa wakas! Inaagiw na ‘tong blog ko e. Pero sana ngayon tuloy-tuloy na ang pagpo-post ko dito. Nawalan kasi kami ng internet connection. Naadik din ako sa DotA. Tapos naga-aral pa ako ng sekolohiya at nag-summer class. Pero ngayon, di na ako busy!😀

May 13, araw ng botohan. Sana wag kayo maging BOBOtante. 17 palang ako kaya di pa ako pwedeng bumoto pero sa inyo ko binibigay ang kinabukasan ko dahil sa inyo nakasalalay ang mga maging pinuno ng ating bansa. Ayusin po natin ang sarili natin. Ang perang binibigay nila ay ilang araw nyo lang na magagamit pero ang botong binigay ninyo sa mga politiko ay pang madaming taon. Wag pong masilaw sa pera. Piliin ang tamang daan, ‘wag ang limang daan.

Sabi nga ni Gloc-9. DAPAT TAMA!

Diary Entry 101: New Year’s Resolution 2010

Image

Malapit na ang pasko at bagong taon. Lamig na ng simoy ng hangin. Sarap sa pakiramdam na may mga regalo na naman tayong matatanggap at maibibigay. Kung sa pasko, nagbibigayan tayo ng regalo at nagpapasalamat ng taos puso sa Diyos. Ano naman sa bagong taon? Ako? Pagkatapos ng putukan, gumagawa ako ng New Year’s Resolution. At eto ang Diary Entry ko noong Jan. 01, 2010.

——-

1:50am

Happy new year! Farewell 2009 and welcome 2010! Sana puro kaswertehan ang mangyari sa taong ito… Sana….

JAM’s New Year’s Resolution 2010

  1. Hindi na ako tatamaring gumising ng maaga dahil sa magandang panaginip.
  2. Hindi na ako matutulog sa school!
  3. Lilinisin ko na palagi ang kwarto ko.
  4. Hindi na ako mambuburaot… Woooh, talaga lang ha?!
  5. Gagawa na ako ng assignment sa bahay at hindi sa school.
  6. Aalisin ko na ang pagiging antukin ko. Sana nga… Maalis…

Waaah! Bagong taon… Bagong buhay nga ba? Magbago man ang taon, ikaw parin naman ang sarili mo, hindi ba? Nakasanayan lang natin ang gumawa ng New Year’s Resolution e. Syempre ipapasikat mo sa mga kakilala mo na tatanggalin mo na ang mga bad attitudes mo. Pero hindi naman lahat natutupad. Minsan, ilang araw lang o oras, nakalimutan mo nang sumumpa kang magbabago ka. Yung iba naman pinapanindigan ng isang linggo o kaya isang buwan, pero bihira lang yun. Yung iba nagpapaligsahan. Patagalan sila na hindi pakuin ang sumpa nila. Kaso hindi din matitiis na mandaya kapag walang tao sa paligid.

Kung anu-ano na ang nangyari sa 2009. Ano naman kaya sa 2010? Mas madami kayang mamamatay na artista? Mas matindi kaya ang mga bagyong dadaan sa Pilipinas> Mas madami kayang Pilipino ang magiging bagong bayani? Hay, madaming tanong. Nakapa-exciting kasi. Sa 365 kong pang araw na tatahakin bago ang susunod na bagong taon, ano kaya ang mangyayari? Basta, it’s a surprise. Hindi ako titigil sa pagbubuklat ng mga pahina sa buhay ko. “Life is like a novel. It’s full of suspense but you won’t know what will happen until you turn the next page.” -Sydney Sheldon’s father. Keep on turning the pages of your life!

——-

May feedback ako sa diary na ko noong April 14 na walang natupad sa New Year’s Resolution ko.

11:45pm

After 3 months, tsaka lang ulit ako nakapagsulat! Hahaha! Natawa ako nung mabasa ko yung New Year’s Resolution ko. Lahat doon hindi ko nagawa. Natapos ang S.Y. 2009-2010 na buraot at antukin pa rin ako. Imbis na sa bahay ako gumawa ng assignment, sa school pa rin at minsan nangongopya nalang. Mas lumala yata. Pero 1st honor naman kaya ayus lang. Sa ngayon si Palito palang ang namamatay na artista. Nung isang araw lang siya namatay sa katandaan. R.I.P. Lolo Palito!

——-

Pinaglololoko ko lang ang sarili ko sa tuwing gumagawa ako ng New Year’s Resolution. Pero nakasanayan ko nang gumawa e. Malamang sa 2013 gagawa ulit ako nito. Yun e, kung buhay pa ang Earth. Haha. Biro lang, di ako naniniwala sa mga Mayan. Troll sila. Diyos lang ang nakakaalam kung kailan tayo mawawala e. Ah, basta. Walang basagan ng trip. Sarili ko naman ang niloloko ko kapag nagawa ako ng listahan ng mga dapat baguhin e. At least di ako katulad ng iba na niloloko ang iba, tulad ng mga politiko natin! Haha. Osya, maraming salamat sa pagbabasa! Mabuhay!

Buhay na Hindi Patas

Image

Di mo kailangang yumaman,

Para matamo ang kasiyahan.

 

Ang hirap maging mahirap.

Sa sobrang gutom, di na makakurap.

Mayayamang sa dami ng biyayang natatanggap,

Hindi na maubos ang lahat ng pagkain sa harap.

 

Hindi ka makapag-aral nang mabuti.

Nagbebenta ka kasi ng basahan tuwing gabi.

Ang kasalas-malasan pa ay nadali,

Tinakasan ka ng binentahan mong Jeepney.

 

Mabait ka at matulungin,

Pero ikaw ay naghihirap parin.

Yung kapit-bahay mong walang asal,

Pera sa bahay ay dangkal-dangkal.

 

Estudyanteng nakatira sa condo,

Imbis sa school, sa sugalan dumaretso.

Ikaw na mahirap at sa pera ay salat,

Makapag-aral lang ay gagawin ang lahat.

 

Sa sobrang daming bahay ng mayayaman,

Yung iba hindi na nila inuuwian.

Ikaw, bahay ay nag-iisa lang.

Ang masaklap pa’y wala itong bubungan.

 

Dukhang sa kayamanan ay salat,

Katawan halos buto at balat.

Kapag sa pag-ibig ikaw ay umangat,

Talo mo pa yang mayayaman na barat.

 

Bahay mong ang sala ay kusina,

At sa kusina ay mayroong maliit na kama,

Kapag natutulog naman ay sama-sama.

Magkakayakap ang buong pamilya.

 

Buhay mo man ay mahirap,

Panatiliing pag-ibig ay lumalaganap.

Kapag may dumating na lamat,

Pag-ibig lang ang iyong ipangtapat.

 

Ang pera’y mawawala din at kukupas.

Ngunit ang pag-ibig ay mananatiling wagas.

Di mo kailangan yumaman,

Para matamo ang kasiyahan.